nakakagalit talaga ang nangyari sa kanila, lalo na sa kung paano sila pinatay at sa kung paano sila trinato nung patay na sila.... oo ang sama sama ng MILF at ng BIFF sa ginawa nila.... pero mas galit ako sa mga tangang ngdesisyong gawin ng mga SAF yun.... oo duty nila, pero sana pinag-isipan ng mabuti, sabay magpapakita pa ng insensitivity... mas baboy pa sa ginawa ng MILF and BIFF sa Fallen44 ang ginagawa ngayon ni Pnoy!!!
pero hindi ako agree sa gusto ng mga hindi taga-dito pero feeling may right to demand for an all out war maipaghiganti lang silang 44... para sa mga humihingi ng all out war for "justice" sa 44 SAF.... try living right in the middle of it.... yung tipong you hear gunshots before you sleep... and pag gising mo you'll hear the same sound, may kasama pang mortar!.... and the possibility of that war to spill over right before your doorstep is never zero... and you still try to make things normal by going to work pa rin dahil your hospital didnt close anyway dahil its needed to help the wounded, sundalo or rebelde man... and then you see the wounded in ER fighting for their life (damn why did i freakin tried to sneak in one time! yung sundalo pang na-wow mali ng airstrike nila!).... kung tutuusin maswerte pa kami sa lagay namin nung zambo siege, dahil it was somehow contained in one place, pero i will never forget the fear and the feeling of hopelessness when it doesnt seem to end....right then maiisip mo, tama pa bang dito ko sasayangin ang buhay ko? right then maiisip mo, yung lahat ng taong apektado ng gera sa mindanao for years....kung ako hindi pa harapan sa bala ang naexperience ko pero i already felt hopeless at some point, paano na lang sila.... silang mga nawalan tlga ng bahay, ng kakarampot na ikinabubuhay and worst, ng pamilya.... so ikaw na humihingi ng all out war and trash the peace talks para mapaghiganti yung 44.... try mo lang, kahit minsan mamuhay dito.... but you know what, justice can be served by punishing the assholes who made the wrong decisions for that operation!!! sila ang dapat na binaboy!
....so ano na ang solution sa problema sa mindanao... hindi ko rin alam, ang sakit sa utak kung iisipin actually... for so long i've been apathetic about it, kasi namuhay naman kami sa Zamboanga na kinakaya ang mga pasulpot sulpot na pangbobomba... dahil nasa kabilang mga isla ng basilan, jolo at tawitawi nangyayari ang talagang gulo...mas lalo pa akong naging apathetic nung nasa manila ako for 14years... pero ngayong mejo ngdesisyon kami ng asawa ko na dito kami sa zamboanga magpapalipas ng buhay namin, na dito namin palalakihin ang mga anak namin... ngayon mejo ngsisink in na ang takot, and uncertainty.... may hope pa ba for zamboanga? and for Mindanao??? basta at this point, ayoko rin ng Bangsamoro Basic Law... dahil para sa akin it will only serve the MILF's power lust... and then what? matutulad na rin sa ARMM ang mga lugar na mapapailalim sa BBL? na siguradong pati zamboanga e masasali dahil nasa provision nya na 1% lamang ng population ang kelangang bumoto ng "Yes" e kasali na....so ano na? tama pa bang ibuhos ng buong buo ang kakayanan dito? pwede bang umalis na lang ulit?
....and then i get to read this:
"OUR COMMITMENT TO PEACE. We need to remind ourselves of who we are. First, we are Zamboanguenos and Mindanawons. Zamboanga City is our city. God had entrusted this city to us. We are deeply rooted in this beautiful island of Mindanao. We are the guardians of our beloved city from its enemies. Second, we are bearers of peace and justice. But if we allow these never-ending senseless violence and injustice to take its course without us fighting - then we betray our city, ourselves and those who died fighting for peace. Yes, we cannot deny our anger, frustrations and fear. But these feelings should not lead us to hopelessness and apathy. It should compel us to BE MORE VIGILANT, PRO-ACTIVE AND ENGAGED IN OUR ADVOCACY FOR PEACE AND JUSTICE. Zamboanga and Mindanao deserves a lasting peace. But it will only come from our commitment to fight for it. (From my Homily at Yesterday's Memorial Mass with the men in uniform and local officials)". - Pitik-Bulag
and this:
"WHY HOPE AGAIN? I know. It is hard for us to hope for peace again, for it is painful to be disappointed again. But it is MORE PAINFUL not to hope again." - Pitik-Bulag
is it really reasonable to stay pa rin? :-(
Same sentiments here... although, napa-isip din ako ng all-out-war... and I guess, it's an instant reaction na gusto mo na lang talaga na matapos na to. But given our experience, war is never an answer. Kung aalis man tayo, panalo sila at kawawa ang mga walang kakayahan na umalis. Matatapos lang to kung wala nang gustong magsamantala para sa pera o kapangyarihan. Sana we find peace soon.
ReplyDelete