nung isang araw pa ako napapaisip, anong meron sa June? bakit parang feeling ko merong something special sa month na to... kanina ko lang naalala... 3years ago, June, iniwan ko ang buhay ko sa Manila... 11years din ako dun, 5years sa college, the rest work na...
i know hindi sya dapat masyadong big deal, pero siguro big deal siya sa akin, di ko lang alam kasi di ko iniisip pero nararamdaman ko... marami akong namimiss... yung convenience ng maraming bagay, yung di ka maiinis dahil available ang kahit ano all the time... yung marami kang pagpipiliang kakainan (naku ngppiyesta talaga ang tastebuds ko nun!).... yung biglang lakad on a weekend dahil wala lang, maraming pwedeng puntahan 2-6hours na byahe nasa masayang lugar ka na... yung dami ng mga pwede mong gawin at puntahan para mejo paganahin naman ang utak mo (naku miss ko na mga play!!! lalo pa ngayon laging may broadway plays!).....
oo lahat yan miss ko.... pero uuwi lang ako sa bahay makikita ko pa lang mula sa gate ang bungal na ngiti ng baby ko... makikita ko lang na masaya ang parents ko at may anak silang nasa bahay, may bonus pang apo (or baliktad, may apo sa bahay tapos may bonus na anak? haha)... makikita ko lang ang asawa kong finally e mukhang nakapagmove-on na talaga... balewala ng lahat... :-)
andami ng nangyari simula ng nagdesisyon akong umuwi na ng Zamboanga for good... i got a husband and the cutest little boy (walang kokontra! syempre ako ang mommy, sya na ang pinakacute sa mundo for me!! hehe)... karamihan sa mga nakasama ko sa Manila e kung saan saan na rin, nagsimula na ring magkapamilya yung iba, yung iba naman about to conquer the world or tapos na sa pag conquer! :-) napapangiti ako pag naiisip ko to... parang yung feeling nung graduation, parang ganun ang pakiramdam... and napapangiti pa ako lalo thinking na nasa isang masayang adventure ng buhay ako ngayon, at sila rin, tayong lahat! (salamat sa FB updated pa rin tayo sa isa't isa hehehe) ang bait naman ng Life sa atin, binigyan tayo ng masayang noon... at super masayang ngayon. :-)
wala...senti lang ako ngayon... at talagang ngtagalog sa blog ko (pers tym ko tong ginawa...mukhang mas masaya atang ganito hehe)... noon kasi natatakot akong maging monotonous forever ang buhay ko...trabaho-bahay-trabaho... pero ang saya lang isipin, things will change one way or another... for the better, maybe not... pero naaliw lang ako sa maraming possibilities ng buhay... :-)
kung iisipin, marami akong options noon... pero pinili kong umuwi... pinili kong maging promdi ulit... ewan, pero i know yun ang pinaka-tamang desisyong ginawa ko sa buhay ko... dahil masaya ako ngayon... at marami akong napasayang mahal ko sa big move na ginawa ko... at nabuhay si Promding Chamimay dahil din dun... :-)
trenta pa lang ako ngayon, alam kong marami pang adventures sa buhay ang nag-aantay sa akin.... at sa mga bago kong kasamang ru-miot ---- ang baby ko at ang dude ko. :-)
so tama na ang senti at i-ready na ang mga gears for another fun ride! :-) cheers to more Promdi years!!! :-)
|
huling picture ko (kuha ni kuya jodl) sa Manila... nasa elevator kami nito, ihahatid daw nila ako sa taxi (dahil pagkatapos kong mgclearance sa office e diretso na ako sa airport, dala ang 11years ng buhay ko sa dalawang bag at isang bayong na dala ko...)
ampayat ko pa pala talaga noon!!! :-) |